tthaliagraced:

ya literature meme + 10 series or books

P e r c y J a c k s o n / T h e H e r o e s O f O l y m p u s (by rick riordan) + italian covers

bru

Minsan, mas mabuti nang hindi tumingin sa pinanggalingan

May kasabihan nga na " Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan " na ang ibig sabihin ay pagtanaw ng utang na loob. Pero kanina nung naglalakad ako papunta sa classroom namin, may nakasalubong ako na tatlong Medtech students na mga babae. Nagmamadali ako sa paglalakad pero sabay kasi silang nag " HI IAN ! " nung nasa likod ko na sila kaya literal na napalingon talaga ako sa pinanggalingan ko. Tumingin ako patalikod habang naglalakad para lang mag " Hello " sa kanila pero nung pagtingin ko ulit sa paroroonan ko, nabunggo ang ulo ko sa isang poste. Dahil sa nangyari kanina, masasabi ko lang na " Ang lumingon sa pinanggalingan ay nagkakaroon ng abs sa noo ! "

talunan-nung-intrams smile  :3

I'm with a Gangster

  • Lola : Magpahaircut ka na !!
  • Me : huh? Hindi naman mahaba ang...
  • Lola : TALK BACK AND YOU'RE DEAD !!

Pano ba kasi ngumiti?

Lagpas isang taon na tong brace ko pero naco.conscious pa rin ako tuwing ngumingiti dahil sa mga kaibigan ko. Yung mga high school friends ko, tinatawag itong  Awkward Smile, tapos tong mga college friends ko, tinatawag itong Shy Smile. Kahit nagpra.praktis akong ngumiti sa harap ng salamin, matatawa na lang ako sa sarili ko.

Every Monday to Wednesday, may isang classmate ako na nakaupo sa malapit sa pintuan ng classroom namin. Ayaw nya akong papasokin tuwing Psychology class kapag hindi ako ngumingiti. Kaya laging ganito na lang ang eksina kapag Psych namin … 

* papasok ako sa classroom *

* ihaharang nya paa nya sa dadaanan ko *

Her : Oppss Oppss. Isang Shy Smile muna.

Me :
image

isang dahilan kung bakit umiitim ang kili-kili

Ayon sa feelings ko, ang armpit ay isa mga maiinit na parte sa katawan natin. Lalo na kapag mainit ang panahon, parang nakakapaso ang temperatura ng armpit natin. Sa sobrang init nito, iitim ang armpit natin. Lutong-luto ang skin nito. Ayon lang naman ito sa feelings ko.

Ang isang paraan para hindi umitim ang armpit ayon sa feelings ko ay huwag laging nakaclose at dapat itaas ang kamay para makahinga ito. Kanina, ang init-init sa room namin.

[Filipino Subject]

Guro : Ano ang tawag sa…. blah. blahh.. blah…?

*tinaas ko ang aking kaliwang kamay*

Me : blaahh. blaah.. miss !!
Guro: korek. Eh ano yung blaah.. blaaah …blaaah??

*tinaas ko ulit ang aking kaliwang kamay* (ako lang nagtaas ng kamay sa klase)

Guro : WALA NA BANG IBANG KAMAY JAN???!!!

*tinaas ko ang aking kanang kamay*

Pero hindi na ako tinawag ng guro ko kahit ibang kamay na ang tinaas ko, kasi paulit-ulit na lang daw ako. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam ang tamang sagot minsan, gusto ko lang talagang itaas ang kamay ko para makalanghap ng hangin ang armpit ko. Kung iisipin, nakakatulong talaga tong feelings ko kapag pinaniwalaan ito ng ibang estudyante, hindi lang para sa pag-iwas na umitim ang armpit, pati na rin sa pagtaas ng grades dahil sa class participation.

Pang ID picture pose. meehee XD

Bakit ang astig mo? Bakit ang cute mo? Bakit ang galing mo? Bakit nakakatuwa ka? Waaaaaaah! crush na kita chos. :D Joke lang bro. :D Gandang Hapon. :"> Natutuwa ako sa blog mo HAHAHA Pati sayo na rin whaht. :D Basta Hi! :D

I.crush mo koooo!!! hahahaha luh joke. namimilit pala hahaha thank youuu. hhaha Hello, pero bye na din, dapat magreview pa, hindi ako nararapat dito sa oras nato hahaha . Ingat :D

Ganito mangyayari kapag iiwan ka ng taong mahalaga at mahal mo eh. Na dapat ipakita mo sa kanya na malakas at matatag ka para hindi na sya magdadalawang isip na iwan ka. Na kapag ito ay nawala na ay dapat dikatahan mo ang mga parte sa katawan mo na umayos para hindi masyadong masakit ang pag-alis ng taong yun. Na kelangan ang ilong mo ay hindi dapat nakakalimutan kung pano huminga. Na ang bibig mo ay kain lang nang kain, hindi yung tinatawag ang pangalan nung taong umalis na. Ang mata ay dapat manuod ng T.V. / magbasa ng libro / tulog, hindi yung pinapaliguan ng luha ang pisngi. Ang puso ay  hindi dapat parang lalabas sa katawan, na parang gustong sumama sa taong yun, hindi yan pwede, kasi dapat ang trabaho lang nito ay ang mag pump ng blood.

Magkakasunod-sunod ang malas mo sa buhay kapag tamad ka

Minsan, ayoko talaga matulog ng maaga kasi nagigising ako ng madaling araw. Kanina, nagising ako ng mga 3 a.m. Kapag ganito, hirap nang makatulog ulit kasi kung anu-ano na naman papasok sa isipan ko at hindi na ito titigil sa pag iisip.

Naisipan kong lumabas sa kwarto dahil gusto kong mag C.R. Pipindotin ko na sana ang switch ng ilaw kaso may ipis na nakaharang, tumatambay ito sa switch talaga eh. Tinamad akong patayin ang ipis at hinayaan ko na lang ito. Pumasok ako sa C.R na walang ilaw. Mejo bangag pa talaga ako kanina. Nung palabas na ako, bigla akong nadulas sa loob ng C.R. Nabasa yung boxer ko at ang sakit sakit pa ng pwet ko. Nagmadali akong buksan ang ilaw, hinawakan ko ang switch. Nakalimutan ko na may ipis pala dun kaya nahawakan ko ito. Nagpanic ako kasi gumapang ito sa kamay ko. Ginagalaw-galaw ko yung kamay ko hanggang tumama ang siko ko sa knob ng pinto. Masakit ulit, parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko.

Narealize ko na nangyari ito dahil sa katamaran ko. Sana pala hindi ako tamad. Sana pala, nung natanggap ko ang chain message na dapat i.forward sa 10 tao at may nakalagay na “ If you break the chain you will have bad luck for the rest of your life “ , sinunod ko na lang sana, hindi sana magkaganito.